PINASALAMATAN ng Korean superstar na si Park Bo Gum ang kanyang Pinoy fans sa suportang ibinigay sa pilot telecast ng kanyang seryeng Love in the Moonlight nitong Lunes (Marso 6) sa ABS-CBN.
Saad ni Bo Gum sa kanyang tweet sa official Twitter account ng Park Bo Gum Philippines, “Many thanks to you all! I’m so grateful!”
Ito ang kanyang tugon sa tweet sa kanya ng fan group na nagsabing, “This is in reply to the fan group’s tweet to him that said, “Yay! We didn’t just trend on Twitter, we rated #1 in media ratings too! Filipinos love @BOGUMMY, alright! #ParkBoGum #KimYooJung #LITMEunuch.”
Nagwagi sa ratings ang pilot episode ng Love in the Moonlight at pumalo ng 11% nationwide kumpara sa 7.4% ng katapat na programa. Trending din sa Twitter ang official hashtag nitong #LITM pati na rin ang mga salitang Love in the Moonlight at Bo Gum.
Hinirang si Bo Gum kamakailan bilang most influential Korean star at nanguna sa listahan ng 2017 Top 40 Power Celebrity ng Forbes Korea.
Napapanood ang Love in the Moonlight, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng A Love to Last, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.CBN pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.