Sinabi ng isang paring Katoliko na kailangan ng masusing pag-aaral at malawakang konsultasyon ang ideya ng pagpapahintulot sa mga lalaking may-asawa na magpari.

Ayon kay Father Jerome Secillano, ng Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish sa Maynila, may mga usapin sa loob ng Simbahan na hindi na maaaring baguhin, gaya ng mga doktrina, ngunit mayroon din namang “remain possible and would need extensive study and consultation before being adopted and implemented.”

Inilahad kamakailan ni Pope Francis ang posibilidad na payagang magpari ang mga lalaking may-asawa upang matugunan ang kakakulangan ng mga paring Katoliko sa ilang bansa.

Naniniwala si Secillano na may balidong dahilan ang Santo Papa sa sinabi nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It’s not as if the Pope made the remark about the former without compelling or valid reasons or in the absence of any basis from tradition,” aniya. “I do believe ecclesiastical authorities would be wise enough to discern what will be good or bad for the universal church.”

Nilinaw din ni Secillano na ang naging pahayag ni Pope Francis ay hindi nagpapahintulot sa mga pari na magpakasal.

(Leslie Ann G. Aquino)