Away sa jeep ang itinuturong dahilan kung bakit sinundan at binaril ng special investigator ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital si Mar Joel Gabris, 39, marine cook, ng 1070 Severino Reyes Street, Sta. Cruz, Maynila, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa hita at tiyan.

Kusa namang sumuko ang suspek na si Ismael Ballano at siya’y hawak na ng kanyang supervisor na si Atty. Sixto Comia, head agent ng NBI-Criminal Investigation Division.

Sa ulat na isinumite ni SPO1 Julio Espiritu, Jr. kay Police Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 7:00 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Plaza Lacson sa Sta. Cruz.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa salaysay sa pulisya ni Emily Fernandez, saksi, napag-alaman na bago ang pamamaril ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima sa loob ng isang pampasaherong jeep.

Maya-maya’y bumaba na sa jeep si Gabris at walang kamalay-malay na sinundan siya ni Ballano at pinaputukan ng dalawang beses.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)