PURA, Tarlac - Dahil sa naramdamang matinding pagkabahala sa umano’y bantang papatayin ang kapwa menor de edad na ama ng kanyang anak, ipinasya ng isang 17-anyos na babae na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion 1, Pura, Tarlac.
Ayon kay PO2 Milan Ponce, nagbigti ang batang ginang na estudyante ng First Tarlac Technological Institute, at taga-Bgy. Linao, Pura, Tarlac.
Sinabi ng 17-anyos na nobyo ng dalagita na dakong 8:00 ng umaga nitong Marso 9 nang puntahan niya ang kasintahan sa bahay nito bago bumili ng gatas ng kanilang anim na buwang sanggol sa isang kalapit na tindahan.
Gayunman, pagbalik niya ay nakabigti na ang dalaga. (Leandro Alborote)