LUMIKHA ng malaking upset si dating WBC Asian Boxing Council super featherweight champion Romero “Ruthless” Duno ng Pilipinas nang dalawang beses niyang pabagsakin ang walang talong si Christian “Chimpa” Gonzalez upang magwagi sa 2nd round knockout kamakalawa ng gabi sa Belasco Theater sa Los Angeles, California sa United States.

Sa pagwawagi, nasungkit ni Duno ang bakanteng WBC Youth Intercontinental lightweight title at inaasahang papasok na sa WBC ranking na kampeon si Jorge Linares ng Venezuela.

“Filipino Romero Duno (13-1, 12 KOs) scored a vicious knockout over previously undefeated lightweight Christian “Chimpa” Gonzalez (16-1, 14 KOs) in pulling the upset and winning the vacant WBC Youth Intercontinental title Friday night at the Belasco Theater in downtown Los Angeles as Golden Promotions LA Fight Club returned for the Boxeo Estelar on Estrella TV main event,” ayon sa ulat ng Fightnews.com

”The two fighters did not waste time letting their hands go as they stood inside but a right hand by Duno dropped Gonzalez,” dagdag sa ulat. “He got up and staggered. but referee Thomas Taylor cut Gonzalez some slack at the end of the round. Another right hand by Duno did it as Gonzalez was out for the count. Thomas Taylor reached a ten count at 57 seconds of round two.”

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nagsanay si Duno sa Wildcard Gym sa Los Angeles, California mula noong Disyembre sa ilalim ni dating WBC light flyweight champion Rodel Mayol at kinatakutan maging ng mga boksingerong alaga ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa kanyang mga kamaong may pampatulog.

Sinabi ni commentator Steve Kim na nag-cover sa “LA Fight Club” show na promosyon ng Golden Boy Promotions ni ex-world champion Oscar dela Hoya na ang panalo ni Duno ay maikukumpara sa pagwawagi ni eight-division world titlist Manny Pacquiao nang patulugin si South African Lehlohonolo Ledwaba sa 6th round noong 2001 para matamo ang IBF super bantamweight title. (Gilbert Espeña)