Dinakma nitong Biyernes ang isang liaison officer dahil sa umano’y panloloko sa isang lalaki na kanyang hiningan ng P120,000 kapalit ng pagproseso ng kanyang residential permit sa Quezon City.

Laglag si Celeste Calleja sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District’s Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa loob ng Quezon City Hall sa Barangay Centra, dakong 9:40 ng umaga nitong Biyernes, iniulat kahapon.

Ayon kay Supt. Rogarth Campo, hepe ng QCPD-DSOU chief, nagreklamo sa kanilang tanggapan ang isang 42-anyos na biktima ni Calleja dahil sa panghihingi umano nito ng pera na gagamitin sa pag-aasikaso ng kanyang occupancy permit para sa bagong tayo niyang bahay sa Bgy. White Plains.

Ayon sa biktima, ayaw magpabanggit ng pangalan, ipinakilala sa kanya si Calleja noong Mayo 30 ng nakaraang taon.

Politics

Hanash ni Sen. Migz: Sen. Loren, future Senate President!

Aniya, una na siyang hiningan ng P60,000 ni Calleja para nga sa nasabing permit. Hindi nagtagal ay hiningan pa muli siya nito ng karagdagang P66,000 para naman umano sa tax declaration certificate ng kanyang bahay.

Sinabi ni Campo na kanilang naaresto si Calleja nang tanggapin nito mula sa biktima ang P5,000 marked money sa mismong lobby ng city hall.

Napag-alaman na hindi ito ang unang beses na inaresto si Calleja dahil sa pangingikil. (Vanne Elaine P. Terrazola)