TALUGTOG, Nueva Ecija - Taga sa mukha at paglaslas sa leeg ang ikinasawi ng isang 50-anyos na lalaki na natagpuang natatabunan ng ipa at mga basura sa Talugtog-Umingan Road sa Purok Papaya, Barangay Tibag sa Talugtog, Nueva Ecija.
Sa ulat ng Talugtog Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director, Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Judy Granil y Gajeton, 50, may asawa, ng Bgy. Mayamot, Talugtog.
Kinilala ang biktima ng asawa niyang si Violy Granil ilang oras makaraang matagpuan nitong Marso 8.
Sinabi ni SPO3 Efren Cara na simula noong Marso 7 ay hindi na umuwi ang biktima. (Light A. Nolasco)