TAMANG-TAMA sa paparating na summer, bibisitahin ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi ang Palaui Island sa Cagayan. Itinuturing na isa sa Top 100 Beaches in the World, kilala ang Palaui sa angking ganda. Tahanan din ito ng mga Agta, na ang kinabubuhay ay ang mga biyayang handog ng isla, honeybee, pusit at iba pa.
Susubukan din ng KMJS na magpadulas sa mahigit 10ft vortex slides sa Palawan; mag-paddle boating sa Cavite; magpaikut-ikot sa bigbowl waterslide sa Subic; at mag-relax sa pool sa loob ng kuwarto sa Bulacan.
Sa Badian, Cebu naman, umaatake sa karagatan ng walong barangay ang libu-libong mga tuyom na isang uri ng sea urchin! At ang pinaka epektibong paraan para mawala ang mga ito, kainin! Katunayan, sa palengke ng Badian, makikita ang mga sariwang tuyom na isa sa mga paboritong delicacy rito.
Kilalanin din ang magkapatid na sina Jesaiah at Jaineshah na parehong mayroong Progeria – isang rare disease na bagamat isinilang ng normal at malusog ang sanggol, mabilis naman silang tumatanda. Ang magandang balita, may grupong tumutulong ngayon sa mga may Progeria para makapunta sa isang Progeria Research Facility sa Boston sa Amerika. Ngunit paano kaya matutulungan ng pasilidad na ito ang mga tulad nina Jesaiah at Jaineshah?
Usap-usapan naman sa Sta. Cruz, Laguna ang milagrosong rebulto ni Señor Santo Sepulcro o mas kilala bilang Lelong.
Nasa gitna raw ng padasal ang mga tao nang bigla itong dumilat. At noong 1950 naman, namataan din daw itong gumagala.
Gaano ito katotoo? At ano ang paliwanag ng mga eksperto rito?
Abangan ang mga ito at iba pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi pagkatapos ng Hay Bahay sa GMA-7.