170155232CO00234_2013_CMT_M

NANGUNA ang bagong album na Divide ni Ed Sheeran sa UK single chart record sa pag-akyat nito sa top five spot at pasok sa top 20 ang lahat ng 16 na awiting nilalaman nito.

Ang Divide ang fastest-selling album ng male artist sa buong Britain, na bumenta ng 672,000 kopya sa unang linggo, mas marami sa pinagsama-samang benta ng top 500.

Tanging ang 25 (800,000) ni Adele at Be Here Now (696,000) ng Oasis ang bumenta ng mas maraming kopya sa unang pitong araw nang ilabas.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

Ang 62 porsiyento ng kopyang naibenta ay physical sales, 26% naman ang mula sa download, at 12% ang mula sa streaming equivalent sales – ang pinakamataas na unang linggong streaming sales para sa isang album sa kabuuan (79,000).

Nakapagtala rin si Sheeran ng pinakamaraming naibenta sa one-week vinyl album sa higit 20 taon.

Wala pang artist na nakakapagtala ng top five place sa single charts o 16 na singles sa top 20. Mayroong siyam na awitin si Ed Sheeran na nasa top 10.

“I never expected to have nine songs in the top 10 ever in my life so yeah, I don’t know, something’s gone wrong.

“But I’m definitely very, very happy about it,” saad ni Sheeran sa BBC radio.

Ang Shape of You ni Sheeran ang number one single sa loob ng siyam na linggong magkakasunod. (AP)