Itinanggi kahapon ng Chinese Embassy na sinadya nitong maglayag sa Benham Rise sa silangang bahagi ng Aurora, at iginiit na dumaan lamang ang kanilang barko sa lugar na isang pandaigdigang karagatan.

Sa kanilang website, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na may karapatan ang kanilang barko na malayang maglayag sa lugar, at inaming dumaan ang mga research ship nito sa hilaga-silangang bahagi ng Luzon noong 2016.

“But this is purely carrying out normal freedom of navigation and right of innocent passage, and there were no so-called other activities or operations,” sabi ni Geng, matapos matanggap ng embahada ang liham ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Comments from individuals in the Philippines on this do not accord with the facts.”

Ibinunyag nitong Huwebes ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa nakalipas na mga buwan ay namataan ang ilang survey ship ng China malapit sa Pilipinas.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Ayon kay Lorenzana, batay sa satellite imagery mula sa mga kaalyado ng bansa ay namataan ang mga barkong Chinese sa loob ng tatlong buwan sa Benham Rise, na una nang idineklara ng United Nations bilang bahagi ng Pilipinas.

Dahil dito, inutusan ng kalihim ang Philippine Navy na sakaling magbalik ang mga nabanggit na survey ship ay “accost them and drive them away”. (PNA)