Batid ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Aiza Seguerra na mahalaga ang magiging papel ng kabataan para maipakalat ang makabuluhang mensahe ng Buwan ng Panitikan na ipagdiriwang sa buong bansa sa susunod na buwan.

Hinirang na ambassador para sa pagdiriwang, binigyang-diin ni Seguerra na dapat i-empower ang kabataan upang maging katuwang niya sa nabanggit na layunin.

“We want to empower ang kabataan. We definitely need their help,” ani Seguerra.

Ibinahagi ng NYC chairperson na makikipagtulungan ang kanilang tanggapan sa mga youth leader, partikular sa kanilang alumni sa Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program (SSYEAP) at Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS) para mas maging matagumpay ang mga programang ilalatag ng komisyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We encourage the alumni of SSYEAP and JENESYS to help and volunteer dahil we really lack manpower,” aniya.

Kaugnay ng pagdiriwang, sinabi ni Seguerra na magiging panimula lamang ito para ipamulat sa publiko ang kahalagahan ng panitikan.

“This will just be a jumpstart. It will be a continuous program. Hopefully, we get the help of LGU at magkaroon ng convergence sa other agencies at groups para makapagpatuloy pa ito,” ani Seguerra.

Idaraos sa Abril ang Buwan ng Panitikan, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). (Airamae A. Guerrero)