MAKAPAGDEPENSA kaya ang mga nagwaging bangkero sa nakalipas na taon o may bagong kampeon na magdiriwang?

Ito ang kapana-panabik na senaryo na pakaaabangan sa pagratsada ng mga batikang atleta sa larangan ng palakasan sa karagatan sa gaganaping Manila Bay Summer Seasports Festival sa Marso 18-19 sa Manila Baywalk sa Roxas Blvd. Manila.

Inaasahang sasabak ang mga premyadong bangkero mula Antique, Aurora, Batangas, Bulacan, cavite, Fumaguete, Ilocos Sur, La Union, Mindoro, Navotas at Rizal sa Stock at Formula races.

Sa dragon boat race, magpapakitang gilas ang mga koponan na Triton, Onslaught Racing Dragons, RCP Sea Dragons, Philippine Blue Phoenix, Rogue Pilipinas, Dragons Republic, One Piece Drakon Sangres, Pilipinas Eave Warriors, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, NTMA Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Bruins, Speed Devilz at Maharlika Drakon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ika-17 taon na ang manila Bay Seasports Festival na handog ng Manila Boardcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard. Nakatakda ang karera ganap na 8:00 ng umaga kung saan inanyayahan bilang panauhin ang singer na si Renz Verano at ang Go Girls para magbigay ng kasiyahan sa awarding ceremony.

Ang 2017 Manila Bay Seasports Festival ay suportado rin ng EO Optical, EyeBerry at MyJuiz.