Sinimulan na ng bagong tatag na Philippine National Police (PNP) unit kontra droga ang background check sa lahat ng aplikante nito at ng iba pang would-be anti-narcotics policeman bilang bahagi ng pagtiyak na pawang matitino at mahuhusay na pulis lang ang magpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Supt. Enrico Rigor, tagapagsalita ng bagong PNP Drug Enforcement Group (PDEG), na nagsimula na silang mangalap ng mga background information sa mga nasa listahan na ng PDEG, gayundin sa mga aplikante at ng mga napipisil para maging miyembro ng unit.

“We are required to submit our assignment background, including the names of our former commanders just to make sure. It also includes our pay slip,” sabi ni Rigor.

Pinahihintulutan ang PDEG na mangalap ng 477 operatiba, ngunit hindi idinetalye kung ilang pulis na ang miyembro sa ngayon, gayundin ang bilang ng mga aplikante.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“We are organizing at the regional level down to the police station level. Although they would not be directly under PDEG, we could tap them,” sabi ni PDEG commander Senior Supt. Graciano Mijares.

Tiniyak pa ni Mijares na bagamat abala sila sa mga operasyon kontra droga, magtutuluy-tuloy ang background check sa mga tauhan ng PDEG.

“It is not as stringent as before. It is now continuous, meaning, if along the way we found something suspicious on our personnel, they could still be kicked out (of the PDEG),” paliwanag ni Rigor.

Bahagi rin ng hakbanging ito, aniya, ang regular na pakikipag-ugnayan sa Counter-Intelligence Task Force (CITF) na itinatag laban sa mga tiwaling pulis. (AARON B. RECUENCO)