SHAINA AT PIOLO copy

KAILANGANG magsalita si Shaina Magdayao sa ibinabatong isyu kay Piolo Pascual na ginagamit lang daw siya para sa publicity o pag-usapan ang aktor.

Tuwing may presscon kasi si Piolo ay laging tungkol sa kanila ni Shaina ang tinatanong at panay naman ang sagot nito.

“Puwede namang hindi sagutin ni Piolo ‘yung isyu kung talagang ayaw din niyang nakakaladkad ang name ni Shaina,” komento ng isang TV reporter, “gustung-gusto rin niya kasi para mapag-usapan sa presscon niya.”

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

Kung magsasalita si Shaina na walang problema sa kanya kung nagagamit man siya sa publicity ni Piolo, dahil sa katunayan ay nagagamit din naman niya ito, hayaan na lang natin silang dalawa.

Samantala, aksidente nang nagkita kahapon ang orihinal na mag-asawang Carlo Aquino (Marco) at Shaina (Camille) nang sundan ng una ang ikalawang asawang si Denise Laurel (Bianca) at tinawag na ‘pangga’.

Nagulat si Camille nang lumingon dahil ang nakita niya ay ang asawang nawawala sa airplane crash, ‘yun nga lang, parang hindi naman siya natatandaan ni Marco.

Sabay pasok naman ng asawa na ngayon ni Camille na si Rafael (JC de Vera).

Kung kailan tila maayos na ang lahat, mistulang babangon mula sa hukay ang nakaraan sa pagkukrus ng landas nina Camille at Marco.

Kaabang-abang kung ano ang maidudulot nito sa kasalukuyang buhay nila sa piling ng kani-kaniyang asawa. Maipaglaban kaya nila ang kanilang tunay na better half? Ilan lang ito sa mga katanungan ngayon ng mga manonood ng Better Half.

(Reggee Bonoan)