Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na pinaigting ng pulisya ang depensa sa mga himpilan nito sa buong bansa kasunod ng paglulunsad ng matitinding pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Apat na pulis ang nasawi at isa ang nasugatan sa pananambang ng mga rebelde sa Bansalan, Davao del Sur nitong Marso 8.

Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, inalerto rin ang lahat ng mobile unit sa mga lalawigan upang hindi na maulit ang pag-ambush sa mga pulis, gaya ng nangyari sa Davao del Sur.

“Well, we have our mobile units on all provinces. We can see that the violent attacks on our security forces only mean that we need to take an active defense at the stations and have our mobile units continue to have active support to the AFP (Armed Forces of the Philippines) in going after terrorists and insurgent groups,” sinabi ni Carlos sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, kahapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We will prevent any attacks on our police stations but again our policemen cannot just stay inside police stations.

They also need to go out and to render public service to the people,” dagdag niya.

Ang pahayag ng pulisya ay kasunod ng babala ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga operatiba ng Davao del Sur Police Provincial Office na mag-ingat sa pagresponde sa mga insidente.

Sinabing ang ambush nitong Miyerkules ay hindi unang beses sa lalawigan, inihayag ni Dela Rosa na ginagawang pain ng NPA ang mga kaso ng pagpatay para tambangan ang mga pulis na magreresponde.

Payo niya, kailangang gumawa muna ng clearing operation sa lugar na rerespondehan upang masigurong walang ma-ambush na pulis.

Samantala, sinabi ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Marine Col. Edgard Arevalo na ang huling utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP laban sa NPA ay batay pa rin sa inilunsad ng gobyerno na all-out war laban sa insurhensiya.

(FRANCIS WAKEFIELD at FER TABOY)