NORA copy

TUMAWAG sa amin si Katotong Mercy Lejarde para ikuwento na nagbago ang isip si Nora Aunor, sa halip na um-appear sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” sa Its Showtime as one of the 10 judges today, sa katapat na programa na raw ito maggi-guest.

Nabanggit sa presscon ng It’s Showtime last Tuesday ni Mr. Jilmer Dy, isa sa executives It’s Showtime, na inimbitahan nila si Nora para mag-judge sa grand finals ng “TNT”. Kinontak at nakausap ni Mercy si Nora at kinumpirma ng superstar na darating siya, and in fact excited na raw ito.

Nagsimula ang career ni Nora Aunor nang sumali sa “Tawag ng Tanghalan” noong dekada 60 at naging grand champion nito noong 1967. Biglang sumikat ang batang Bicol na nagtitinda ng tubig sa istasyon ng tren.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nakalulungkot na hindi tuloy si Nora sa “TNT” para piliin ang champion mula sa anim na contenders na kinabibilangan nina Froilan Canlas, Noven Belleza, Carmalone Montecido, Sam Mangubat, Pauline Agupitan at Marielle Montellano.

Naghanda pa naman ng tribute ang It’s Showtime sa superstar bilang orig at masasabing “anak” ng “Tawag ng Tanghalan”.

Kuwento pa ni Tita Mercy, dalawang beses nagbago ang isip ni Nora – umoo at humindi, pero nang ipaliwanag niya na nai-announce at naisulat na, umoo ulit nang kausapin uli ng exec ng show, para lamang tuluyan humindi uli. Kaya nagpasiya na rin ang show na huwag na lang asahan ang Superstar.

Tuloy, walang Nora sa I’ts Showtime ngayong Sabado.

Mapa-pak ganern tiyak si Vice Ganda kapag nalaman niya ang dahilan sa ‘di pagsipot ni Ate Guy sa It’s Showtime.

Anyway, nakakalula ang iuuwing mga premyo ng tatanghaling kampeon ng “TNT”, P2M cash, house and lot from Camella, package tour, managerial contract at musical instrument package. 

Sa Resorts World gaganapin ang “Tawag ng Tanghalan” grand finals ng It’s Showtime simula 12:15 hanggang 3:30 PM.

Sa Lunes, Marso 13, uumpisahan na agad ang “Tawag ng Tanghalan Teens” at tiyak na aabangan na naman ito ng buong bansa dahil mula Luzon,Visayas at Mindanao ang nag-audition. (Ador Saluta)