NAGTALA ng buwena-manong panalo ang koponang K-Jeds at Land Transportation Office- National Capital Region habang pumasok naman sa win column ang BreezyBrothers sa pagpapatuloy ng elimination round ng Brotherhood Basketball League “WCA Travel Cup “ na idinaraos sa Trinity Gym ng Trinity University of Asia sa Quezon City.

Ang K-Jeds ni team owner Ramil Dolarte ay agad na nagparamdam ng katatagan upang agwatang maaga ang Wolfpack sa unang yugto pa lamang hanggang sa 90-73 panalo sa torneo na inorganisa ni BBL Chairman Erick Kirong ng Macway Travel at inihandog ng World Cruisers Adventures sa pamumuno ni CEO Engr. Joven Diaz.

Ang prized slotman ng K-Jeds na si Marlon Sorianop ang topscorer at game’s best player sa expert division.

Sa isa pang expert division match, nagpasiklab si streakshooter James Castro upang akayin ang LTO-NCR sa isang one-sided victory kontra Hobe, 115-88.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umentra naman sa win column ang Breezy Brothers matapos na gulantangin ang opening day winner Dok Manok, 100-78, para sa hataw na panalo sa nakaraang dalawang laro at makadikit sa mga bumabanderang Bearcats,Cocolife, Goto Pilipinas at Earist.