RONNIE SYLVIA AT ARJO copy

NATAWA kami sa litratong ipinost ni Sylvia Sanchez na in character siya bilang si Gloria ng The Greatest Love pero ang kasama niya ay sina Ronnie Lazaro at Arjo Atayde sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagduda tuloy kami na baka may cameo role si Ibyang sa action serye.

Kung hindi kami nagkakamali, ang litrato ay may koneksiyon sa eksenang napanood namin nitong nakaraang Huwebes ng gabi sa Probinsyano nang makiramay sina Joaquin Tuazon at lolo nitong si Don Emilio Syquia (Eddie Garcia) sa kapatid ni Romano (Ronnie Lazaro) na pinatay ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

Ang caption ni Ibyang sa naturang post, “Di na nakatiis si Gloria, pinuntahan na niya’t kinausap na sina Joaquin at Romano na tigilan na si Cardo. Harinawa’y makinig ang dalawang pinuno ng mga adik! Sana lang, naramdaman nila ang #thegreatestlove ni Gloria nang hindi na nila guguluhin si #angprobinsiyanong Cardo Dalisay! #kapamilyagold #primetimebida #abscbn #tgltv.”

Kung hindi kami nagkakamali ay kuha iyon noong Huwebes dahil sabay nag-taping ang mag-ina ng kani-kaniyang teleserye na sabi nila ay, ‘for airing ng Thursday.’ Magkalapit siguro ang kanilang locations kaya nagawang dalawin ni Sylvia ang anak.

Yes, Bossing DMB, hindi na hand-to-mouth ang taping ng Probinsyano at The Greatest Love kundi mouth-to-mouth na, ito ang biruan nila.

Anyway, sa huling gabi ng lamay ni Tita Angge ay nakita namin ang isa sa business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Ms. Julie Ann Benitez na tinanong namin kung totoong extended uli ang aksiyon serye ni Coco.

“Wala rin kaming alam, walang sinasabi sa amin,” kaswal na sagot sa amin ng TV executive.

Hindi na namin masyadong inurirat pa si Ms. Julie Ann dahil abala siya sa paper works na dala-dala niya hanggang sa lamay na hanggang sa umuwi na kami ng pasado alas dos ng madaling araw ay naiwan pa rin siya at abala pa rin.

Biro nga namin, ‘grabe po kayo sa puyatan, ako, hindi ko na kaya bagsak na ako’ at sinagot naman kami ng isa pang TV executive na si Ms. Ellen Criste ng, “ganyan ang buhay sa production.”

Pero, base sa napanood naming episode ng Probinsyano noong Huwebes ay parang malapit na itong magtapos dahil nagkasagupaan na naman sina Cardo at Joaquin kasama pa ang grupo ni Romano.

Bukod sa ipinakikita na rin ang masasayang araw nina Cardo at Alyanna (Yassi Pressman). (REGGEE BONOAN)