SUNUD-SUNOD na topless pictures ang ipinost ni Kim Domingo sa Instagram at obvious na nagustuhan ng kanyang followers at maging ng bumibisita lang sa IG account niya ang photos niya na kita ang boobs dahil libu-libo ang nagla-like.

Gaya na lang sa picture na nakadapa si Kim, may 36,986 likes na kahapon. Ang picture niyang nakatayo siya, topless at mug lang ang nakatakip, may 48,946 likes na. Ang picture niyang nagbu-blower, may 34,452 likes na.

Sinagot ni Kim ang nagko-comment kung bakit kailangan niyang i-flaunt ang fake niyang boobs. May nag-suggest namang magsuot siya ng bra. May nagtanog pa kung hindi raw ba siya namememohan ng GMA-7 sa madalas na pagpapakita ng boobs.

“Kung ayaw n’yong makita mga post ko, e, di i-block n’yo ‘ko. ‘Wag masyado dibdibin mga ipinopost ko. Wag paapekto sa buhay ng ibang tao. Love you,” aniya.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

May nag-comment namang halata na gusto lang pag-awayin sina Kim at Ellen Adarna dahil ginagaya raw niya ang huli at wala siyang originality. May Team Kim naman dahil ang sabi, nalaos ang pictorial ni Ellen ni Kim dahil mas daring ito.

Anyway, magiging dalawa na uli ang shows ni Kim sa GMA-7 dahil bukod sa Bubble Gang, kasama siya nina Jaclyn Jose at LJ Reyes sa afternoon soap na D’ Originals. (NITZ MIRALLES)