Nanawagan ng tulong ang dalawang overseas Filipino worker (OFW) na nakakulong ngayon sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ni Dyna Zaradulla Quismundo, kagawad ng Barangay Alas-as, Madalag na ang kanyang kapatid na si Bernie Zaradulla ay dalawang linggo nang nakakulong sa Riyadh kasama ang kapwa Pinoy na si Ryan Delos Santos Duya.

Uuwi na sana ang dalawa matapos magreklamo sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na tatlong buwan silang hindi pinasahod ng kanilang amo at sinisingil pa ng ilang bayarin. (Jun N. Aguirre)

Tsika at Intriga

Tanong sa Family Feud PH tungkol sa suspek na inaaresto, usap-usapan