Pitong matataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang nahaharap sa graft and administrative charges sa Office of the Ombudsman dahil sa alegasyon sa maanomalyang procurement ng driver’s license cards na nagkakahalaga ng P187 milyon.

Ang complaint ay isinampa kahapon ng Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) at kinilala ang respondents na si LTO chief Edgar Galvante at ang bids and award committee (BAC) members na sina Romeo Vera Cruz, Mercy Jane Paras-Leynes, Rector Ortiga, Maribel Salazar, Irenea Nueva at Francis Roy Almora.

Ibinatay ni ATM President Leon Peralta ang complaints sa mga ulat ng pahagayan na kalaunan ay napatunayan umano nilang totoo.

Nakasaad sa complaint na ibinigay ng respondents ang kontrata sa Allcard Plastic Philippines sa pamamagitan ng direct contracting na walang public bidding na siyang kinakailangang gawin sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinasabi nito na ang binili ng LTO ang license cards ng P62.30 kada unit, o kabuuang halagang P187 milyon para sa tatlong milyong piraso ng cards.

Ayon sa ATM ay marami pang ibang suppliers ang pumapayag na iprodyus ang license cards na may kaparehong kalidad pero nagkakahalaga lamang ng P30 bawat piraso. (Jun Ramirez)