KALIBO, Aklan - Pito sa 17 bayan sa Aklan ang nananatiling walang fire station, ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP).

Ayon kay Fire Insp. Sidgie Gerardo, bagong talagang acting provincial fire marshall, inaayos na ng mga lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng mga fire station sa kani-kanilang bayan.

Hanggang ngayon ay wala pa ring sariling pamatay-sunog ang mga bayan ng Batan, Banga, Lezo, Madalag, Malinao, Makato at Nabas.

Kapag may sunog sa nasabing mga munisipalidad ay karaniwang tumatawag na lamang ang mga residente ng bombero mula sa katabing bayan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Paliwanag naman ni Gerardo, patuloy ang recruitment ng BFP para mapunan ang kakulangan sa fire station sa nabanggit na pitong bayan. (Jun N. Aguirre)