Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes IV ang pahayag ni retired SPO3 Antonio Lascañas na may apat na miyembro pa ng Davao Death Squad (DDS) ang inaasahang lalantad upang kumpirmahin ang kanyang mga testimonya at ni Edgar Matobato.

Ngunit nilinaw ni Trillanes na pinag-aaralan pa nila ang background ng mga ito at tinitiyak na totoo ang mga sasabihin.

“Tsine-tsek nating maigi para malaman kung sinsero sila talaga, kung totoo ang mga sinasabi at kung handa silang harapin ‘yung peligro na haharapan nila. Their testimonies will corroborate Lascañas’ and Matobato’s claims,” ani Trillanes.

Kaugnay nito, nakatakdang bumiyahe pa-Netherlands ang abogado ni Matobato upang magsampa ng kasong crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon kay Atty. Jude Sabio, inihahanda na lamang niya ang ihahaing kaso kaugnay ng umano’y sistematiko at malawakang pag-atake sa civilian population.

Dagdag pa ni Sabio, gagawin nilang basehan ang mga report ng Amnesty International at Human Rights Watch na kumokondena sa libu-libong pagpatay sa bansa sa nakalipas na mga buwan, simula nang manungkulan si Duterte kaugnay ng kampanya nito laban sa droga. (Leonel Abasola at Beth Camia)