IDEDEPENSA ni IBF Inter-continental super flyweight champion Jonas “Zorro” Sultan ang korona kontra sa beteranong si Sonny Boy Jaro sa Marso 19 sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City.
Nakamit ni Sultan ang titulo kay Makazole Tete sa impresibong second-round knockout nitong Disyembre sa South Africa.
Tangan niya ang marka na 12-2 record, tampok ang walong knockout.
Hawak naman ni Jaro, dating world champion ang 43-13-5 karta. Huling laban niya ay noong 2016 kontra kay Marjun Pantilgan para sa bakanteng WBC Superflyweight title.
Sina Sultan at Jaro ay rated #14 sa IBF at WBC, ayon sa pagkakasunod.