PINADAPA ng University of the Philippines ang De La Salle, 10-3, para makopo ang ikaapat at huling puwesto sa Final Four ng UAAP Season 79 softball tournament kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Nakamit ng Lady Maroons ang two outs sa second frame nago kumana ng walong runs, habang nagpatuloy ang masamang laro ng Lady Archers para manaig sa do-or-die match.
Makakaharap ng UP ang defending six-time champion Adamson University bukas, target na makalikha ng kasaysayan sa torneo.
Magtutuos naman sa hiwalay na Final Four duel ang No. 2 National University at last year’s finalist University of Santo Tomas.
Tangan kapwa ng Adamson at NU ang ‘twice-to-beat’ na bentahe matapos magtapos na 1-2 sa elimination round.
Sa baseball game, pinatatag ng De La Salle ang kampanya na ‘back-to-back’ nang gapiin ang finalist Ateneo, 8-5.