SEOUL (Reuters) – Pinagtibay ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment ni President Park Geun-hye kahapon, at pormal siyang pinababa sa puwesto kaugnay sa graft scandal na kinasasangkutan ng malalaking kumpanya sa bansa.

Si Park ang unang halal na lider ng South Korea na pinatalsik sa posisyon. Gaganapin ang presidential election sa loob ng 60 araw, alinsunod sa konstitusyon.

“We remove Park Geun-hye from office,” sabi ni Lee Jung-mi, acting president ng korte, sa paglilitis. “Her actions betrayed the people’s confidence. They are a grave violation of law which cannot be tolerated.”

Kinatigan ng desisyon ang boto ng parliament noong Disyembre 9 na nag-impeach kay Park kaugnay sa influence-peddling scandal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaakusahan si Park, 65, ng pagpahintulot sa kaibigang si Choi Soon-sil at sa isang dating presidential aide, kapwa nililitis din sa kaso, na gipitin ang malalaking negosyante para magkaloob ng pera sa dalawang foundation na itinayo para suportahan ang kanyang mga polisiya. Kabilang sa mga nagbigay ang Samsung Group. Itinanggi ni Park ang anumang pagkakasala. Hindi siya humarap sa korte nitong Biyernes.

Si Prime Minister Hwang Kyo-ahn ang itinalagang acting president at mananatili siya sa puwesto hanggang sa eleksiyon.