WASHINGTON (AP) – Nadagdagan ang mga hamong legal laban sa revised travel ban ni President Donald Trump nitong Huwebes nang ipahayag ng estado ng Washington, Oregon, Minnesota, Massachusetts, at New York na sasama sila sa mga haharang sa executive order.

Ang Washington ang unang estado na nagsampa ng kaso laban sa orihinal na kautusan, na nagresulta sa pagpapatigil ni Judge James Robart ng Seattle sa implementasyon nito sa buong bansa.

Sinabi ni Washington state Attorney General Bob Ferguson na hihilingin ng estado kay Robart na magpasyang sakupin ng kanyang temporary restraining order ang nirebisang hakbang ni Trump.

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage