TALAVERA, Nueva Ecija - Limang tama ng bala ang ikinasawi ng isang 58-anyos na municipal social development officer makaraang ratratin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 6, Barangay Marcos sa Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa Alert Team ng Talavera Police, na pinangunahan ni Senior Insp. Vinia Rocafort, kaagad na binawian ng buhay si Tierry Borromeo De Ocampo, ng Bgy. Esguerra, kasalakuyang municipal social development officer.

Nabatid na dakong 6:30 ng gabi nitong Marso 6 at minamaneho ni De Ocampo ang kanyang motorsiklo, angkas ang asawang si Maxima Arimbuyutan De Ocampo nang harangin sila ng mga salarin.

Akmang bubunot ng baril ang biktima kaya pinaputukan siya ng nakaangkas na suspek, at inagaw ang kanyang .40 caliber Gloc at backpack na umano’y naglalaman ng P100,000 cash, loading cell phone na may aabot sa P200,000 load.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

(Light A. Nolasco)