BANGKOK – Mapapalaban ng husto si dating ONE Strawweight World Champion Joshua Pacio sa kanyang pagsalang kontra sa dati ring world title holder na si Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke sa undercard ng ONE: WARRIOR KINGDOM ngayon sa 12,000-capacity Impact Arena dito.
Inaasahan ang matinding hamon kay Pacio sa kanyang paghahangad na makasikwat ng ikalawang ONE FC title laban sa beterano at three-time Lumpinee Stadium Muay Thai world champion na karibal.
Tangan ang 6-1 marka sa professional mixed martial arts, bantog si Dejdamrong sa kanyang husay sa technical strike, gayundin sa bilis dahilan para makagawa ito ng iba’t ibang istilo at diskarte.
Higit na mas matangkad ang Thai rival, ngunit kumpiyansa si Team Lakay head coach Mark Sangiao na malalagpaasan ito ni Pacio.
Iginiit ni Sangiao, naging coach din nina Eduard Folayang, Honorio Banario, Geje Eustaquio at Kevin Belingon, na lamang ang bilis at talino sa laban ng Pinoy fighter kontra Dejdamrong.
“In today’s MMA, versatility is the key to success. Your striking should be as good as your grappling in order to be successful. Joshua is good in all aspects of the game. He has a superb striking background. He also has an efficient ground game. In his upcoming bout, you can expect that Joshua will be the more well-rounded guy inside the cage against a pure striker like Dejdamrong,” pahayag ni Sangiao.
“He is truly dedicated to what he does. Plus, he has this winning attitude, which is an essential requirement to a fighter who wants to become a champion in this sport,” aniya.
Para sa kabuuan ng fight card, bisitahin ang www.onefc.com, Twitter at Instagram @ONEChampionship.