Panibagong pasanin sa mga consumer ang P0.66 kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na bukod sa P0.22/kwh na “pass on” charge na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa pagsara ng Malampaya natural gas facility, dumagdag sa power rate increase ngayong Marso ang P0.58 pagtaas sa generation charge, P0.03 buwis, at P0.06 ng iba pang bayarin.

Bunsod ng panibagong dagdag-singil, ang mga tahanang kumukonsumo ng 200/kwh na kuryente kada buwan ay madaragdagan ng P132 sa kanilang bayarin, P198 sa mga nakakagamit ng 300 kwh, P264 sa mga kumukonsumo ng 400 kwh at P330 sa mga gumagamit ng 500 kwh.

Sinabi naman ni Department of Energy (Do) Undersecretary Wimpy Fuentebella na pinag-aaralan na nila ang mga kontrata sa kuryente upang matukoy kung saan nanggagaling ang “pass on” charges upang wala nang maipapasang dagdag-gastos sa mga consumer. (MARY ANN SANTIAGO)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists