Inaprubahan ng House committee on government enterprises and privatization, sa magkasanib na pagdinig ng House committees on energy at transportation, ang mga panukalang lumilikha sa Mindanao Power Corporation at sa Mindanao Railways Corporation upang mapabilis ang pag-unlad sa Mindanao.

Pinagtibay ng komite ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Nonato Sacdalan, sa magkasanib na pagdinig ng committee on energy ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Q. Velasco, ang pinagsamang House Bills 122 at 357.

Hangad ng HB 122 ang non-privatization ng Agus at Pulangui Hydropower Complexes, at isinusulong ang angkop na paraan ng gobyerno sa pagmamantine sa murang pinanggagalingan ng enerhiya. (Bert de Guzman)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito