MAGKAPAREHO ang paniniwala namin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang “mawala ang mahihirap” para matigil na ang problema sa ilegal na droga sa bansa. Ang pagkakaiba lang namin, naniniwala siyang dapat patayin ang mga ito para maubos na ang mga tulak, samantalang ako ay naniniwalang dapat silang bigyan ng tulong pangkabuhayan upang hindi na sumugal sa droga para lang kumita.

Hindi ako nagbibiro at mas lalong hindi ko ito gawa-gawa lamang – ito talaga ang gusto niyang mangyari, at kanyang pinanindigan sa kanyang pahayag noong nakaraang Miyerkules sa Pasay City -- “Ang sabi nila, puro mahirap iyan, eh wala na tayong magawa eh. Naghihintay siguro silang mag-recruit ng mga milyonaryo. Wala namang mayamang mag-standby d’yan sa lugar mo, sa munisipyo mo. Iyong talagang mahirap, iyan nga ang problema. We have to destroy the apparatus.

It needs people killed. Wala talaga tayong magawa. Otherwise kung ito lang ang tapusin mo, nandiyan ang stock, naghihintay ng runner… that’s just how it is. You cannot stop the movement of drugs in the entire country kapag hindi mo yariin lahat,”

Sinabi ito ni PRRD upang ipagtanggol ang kanyang giyera laban sa mga sindikato ng droga sa buong bansa, sa mga kritikong nagsasabi na ang mga pinapatay lang sa kanyang kampanya laban sa mga sindikato ng droga ay mahihirap at karamihan pa sa mga ito ay pipitsuging mga drug user lang.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bahagi kasi ito ng ulat na inilabas ng Human Rights Watch (HRW) na isinalarawan ang buong detalye ng mga pang-aabuso ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at ilang miyembro ng pribadong sektor na kasangga ni PRRD sa kanyang pakikipaglaban sa mga drug lord sa bansa.

Ayon pa sa report ng HRW, karamihan sa halos 7,000 napatay sa “Tokhang” ay mga walang trabaho at kung mayroon man ay kalimitang mga kargador, pedicab driver, vendor, at namumulot ng basura na nakatira lamang sa mga barung-barong.

Pinapasok ng mga pulis at ‘di unipormadong armadong lalaki ang mga barung-barong ng kanilang target na kadalasa’y walang awang pinagbababaril sa ulo at sa harap mismo ng mga... nagmamakaawa at nagsusumamong anak, kapatid at magulang ng mga biktima.

Ang matindi rito, hindi raw kilala ng mga pulis ang mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet na dumarating sa lugar na sakay sa van o kaya’y motorsiklo na nakikita ng mga residente na ipinagta-trapik pa ng mga tanod sa naturang lugar – katibayan lamang na may malalim na kutsabahan dito kaya talagang imposibleng may malutas pa sa mga kasong ito na tinatawag ng PNP na death under investigation (DUI) na pilit nilang ipinapalit sa nakagawiang “extrajudicial killings” o EJK na tawag naman ng mga kritiko ni PRRD.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)