Konektado umano sa malakas na pagyanig na naitala sa Surigao Fault ang mahinang lindol na naramdaman sa Catanduanes at Masbate kahapon ng umaga.

Ipinahayag ni Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)-Legazpi, na normal na galaw lang ang naitalang pagyanig sa Bato, Catanduanes at sa Esperanza, Masbate kahapon.

Inihayag ni Laguerta na kung pagbabatayan anng pagkakaugnay-ugnay ng Philippine Fault, segmented na ito mula sa Davao hanggang sa Pangasinan kaya posibleng naapektuhan ito ng mga pagyanig sa naturang fault line. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat