Ipinasa ng House Committee on Information and Communications Technology ang Free Wi-Fi Bill, na nagkakaloob ng libreng Internet sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Titiyakin ng panukala na may libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar, gaya ng mga tanggapan ng gobyerno, pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya, state universities and colleges (SUCs), pampublikong aklatan, parke, barangay center, pambayang ospital at mga klinika sa kanayunan, at sa mga public transportation terminal.

Binanggit ni Rep. Victor Yap (Tarlac, 2nd District), chairman ng komite, na maraming benepisyo ang hatid ng libreng public Wi-Fi.

“It can help revive economically ailing areas, facilitate entry of more businesses, help increase tourism or simply make an area more attractive as a destination. During disaster relief operations, the use of Wi-Fi zones to spread helpful information can become a key part of communication in a post-disaster situations,” ani Yap. (Bert De Guzman)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara