Kinuyog ng 21 oppositor si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez sa muli nitong pagharap sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) kahapon.

Kinuwestiyon ng mga oppositor ang kakayahan ni Lopez na pamunuan ang isang ahensiya ng gobyerno na hindi, anila, akma sa tinapos nitong kurso.

Depensa ni Lopez, may mga tagapayo naman siya at ipinatutupad lamang niya ang batas.

Kabilang sa mga unang kumuwestiyon sa kakayahan ni Lopez ang ilang mining students, pero sa halip na mapikon ang kalihim ay hinimok niya ang mga estudyante na makipagtulungan sa kanya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“I am more than willing to work with these students to work on new and innovative methods where the community doesn’t suffer. My challenge to these students is to find some human engineering... Look into a way of mining which uses magnets to get the minerals,” ani Lopez.

Una nang pinayuhan ni Senator Panfilo Lacson si Lopez na sagutin nang maayos ang mga tanong dito upang hindi magaya sa sinapit ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr., na ni-reject ng CA.

Hindi na maisasalang dahil biyaheng Amerika ngayong Biyernes, sa caucus ng CA sa Martes pa malalaman kung makukumpirma si Lopez o hindi. (Leonel M. Abasola)