CALATAGAN, Batangas - Patay kaagad sa pinangyarihan ng krimen ang isang 56-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Calatagan, Batangas.

Ayon sa report ni PO2 Dennis Mira, dakong 4:35 ng hapon nitong Miyerkules at sakay sa motorsiklo si Roberto Bauyon, kagawad ng Barangay Balibago, Lian, nang pagbabarilin siya ng suspek na lulan din sa motorsiklo, sa Bgy. Balibago.

Nakatakas ang suspek, at iniimbestigahan na ang motibo sa krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar