TANAUAN CITY, Batangas – Nasawi ang isang Grade 5 pupil matapos na mawalan ng balanse at mabagok sa semento makaraang suntukin ng kanyang kaklase sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang 10-anyos na residente ng Barangay Pantay Bata sa lungsod.

Sinabi ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Tanauan City Police, na dakong 10:15 ng umaga nitong Miyerkules nang mangyari ang insidente sa campus ng Pantay Bata Elementary School.

Lilipat sana sa ibang classroom ang mga estudyante nang magkaasaran ang biktima at ang 11-anyos niyang kaklase.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naudyukan pa umano ng ibang kaklase ang dalawa hanggang sa mauwi sa panununtok ng suspek sa balikat ng biktima, na nawalan ng balanse, bumagsak sa sahig at nabagok.

Nawalan ng malay ang bata at dinala sa barangay health center.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima. (LYKA MANALO)