Napanatili ng GMA Network ang pagiging number one sa nationwide TV ratings noong Pebrero, ayon sa data ng ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Mula Pebrero 1 hanggang 28 (ang Pebrero 19 hanggang 28 ay ayon sa overnight data), lumabas na GMA Network pa rin ang mas tinangkilik ng mga manonood sa nakuha nitong average total day people audience share na 41.2% sa National Urban Television Audience Measurement o NUTAM, mataas ng 6.3 points kumpara sa 34.9% ng ABS-CBN.

Sa lahat ng dayparts sa NUTAM, namayagpag ang Kapuso Network, at hindi pa rin natitinag sa number one spot ang Encantadia. Pumasok din agad sa top 10 ang pinakaunang teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours na nag-premiere nito lamang Pebrero 27. Kasama rin sa listahan ng top rating programs ang Magpakailanman, Alyas Robin Hood, Kapuso Mo Jessica Soho, at 24 Oras.

Samantala, lumaki pa ang lamang ng GMA sa balwarte nitong Urban Luzon na bumubuo sa 77 percent ng mga manonood sa urban TV homes sa bansa. Nakakuha ang Siyete ng average people audience share na 47.3 percent, malayo sa 29.1 percent ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nanguna ang Kapuso Network sa lahat ng dayparts sa Urban Luzon na 24 sa 30 top rating programs ay mula sa GMA. Una pa rin sa listahang ito ang Encantadia at Destined To Be Yours.

Naglunsad din ang network kamakailan ng mga bagong programa tulad ng Legally Blind, Full House Tonight, at Case Solved na pawang pumasok agad sa listahan ng top programs.