Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte at dalawa pang opisyal dahil sa pagtanggap ng regalo kapalit ng pag-aapruba sa paper supply deal ng isang Australian contractor.
Paglabag sa Section 3(b) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Section 7(d) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isinampang kaso laban kay Uriarte at sa mga dating board member na sina Jose Taruc V at Fatima Valdez.
Batay sa reklamo ng Office of the Ombudsman, tumanggap ang mga opisyal ng “all-expense paid trip” sa Australia mula sa TMA Group of Companies noong Pebrero 2010 kapalit ng pag-apruba sa JVA (Joint Venture Agreement) ng PCSO at TMA para sa pagpapatatayo ng isang thermal coating at printing plant sa bansa. (Rommel P. Tabbad)