Inaagapayan ng Department of Science and Technology (DoST) ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para linisin ang Boracay Island.

Sinabi ni DoST-Aklan Chief Jairus Lachica na iprinisinta ni Dr. Melinda Palencia, professor at environmentalist mula sa Adamson University, ang kanyang programa sa Malay Municipal Council.

Ang untreated wastewater ang isa sa mga dahilan ng pagtubo ng green algae sa puting baybayin ng Boracay.

Ayon kay Lachica, naimbento ni Dr. Palencia ang vigormin, isang white powdery substance na tinatawag din niyang eco-friendly septic system (eco-sep) technology, para sa domestic wastewater treatment. Una itong ipinakilala sa Boracay noong 2015 at ngayon ay ginagamit sa iba’t ibang tourist destination, gaya ng Bohol at Palawan. (Jun Aguirre)

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'