Sinalakay at ipinasara ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang drug den kung saan nahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang tatlong lalaki at nasamsam ang P1 milyon halaga ng shabu, iniulat kahapon.

Pinosasan at inaresto ng mga awtoridad ang umano’y drug den operator na si Mark Anthony Ignacio, kanyang mga parokyano na sina Michael Ramos, Luzviminda Macuto at Terisita Macuto, pawang nasa hustong gulang at residente sa Cubao, Quezon City.

Base sa report, dakong 8:30 ng gabi kamakalawa nang salakayin ng mga tauhan ng Cubao Police ang drug den sa No. 32 Arayat Street, Barangay Martin De Porres, Cubao.

Gulat na gulat umano si Ignacio gayundin sina Ramos, Luzviminda at Teresita na pawang napahinto sa pagbatak.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakuha sa mga suspek ang walong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P150,000, mga drug paraphernalia at drug money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cubao Police Station 7 at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002. (Jun Fabon)