Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon na malaki ang posibilidad na sinusuri ng China kung mayroong mapakikinabangan sa mayaman sa mineral na Benham Rise, na nasa hilagang bahagi ng baybayin ng Isabela.

Sa “1st Kapihan sa Kampo” sa National Defense College of the Philippines (NDCP) Honor Hall sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni Lorenzana na napagtanto nila ito nang may mamataang Chinese survey ship sa naturang lugar noong 2016.

“One of their survey ship is also plying the Benham Rise already,” sinabi ni Lorenzana sa mga mamamahayag. “Last year they have been, I think it was monitored for about three to six months going there.”

Sinabi ni Lorenzana na pagkatapos ng insidente, inatasan niya ang Philippine Navy na kapag namataan ang naturang survey ship ay lapitan ito at itaboy.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ni Lorenzana na batay sa mga larawang kuha ng satellite na kanilang nakuha, nagsimulang pumalaot sa naturang lugar ang survey ship noong Hulyo 2016 at nagpatuloy hanggang Disyembre.

Nang tanungin kung ang mga Chinese ay naghahanap ng langis o minerals, sinabi ni Lorenzana na walang report na may oil deposit doon.

Hindi rin niya binalewala ang posibilidad na naghahanap ang mga Chinese ng mapupuwestuhan ng mga submarine nito.

(Francis T. Wakefield)