MAY senyales na gusto na ring bitiwan ni Bob Arum si eight-division world titlist Manny Pacquiao tulad nang ginawa nito kay five-division world champion Nonito Donaire Jr. pero ikakasa muna niya ang Pambansang Kamao sa gustong pasikatin na boksingerong alaga rin niya -- si WBO light welterweight titlist Terence Crawford.

Hindi muna ibinunyag ng Team Pacquiao kung sino ang gustong ireto ni Arum kay Pacquiao pero tiyak na pangunahin sa listahan si Crawford na matagal nang hinamon ang Filipino boxer.

Aangat ang pay-per-view ratings ni Crawford kung kaya’t malaki ang tyansa nito. Tila napikon si Arum kay Pacquiao nang tumanggi itong magdepensa sa gusto niyang pasikatin na si WBO No. 2 contender Jeff Horn ng Australia na may promotional contract na sa Top Rank kaya natuwa siya nang mabigo ang adviser ng Pilipino na si Michael Koncz na magprodyus ng $38 milyon para sa depensa sa mas sikat na Amir Khan ng United Kingdom.

Isa pang opsiyon ni Arum para kay Pacquiao si WBA lightwelterweight champion Adrien Broner na dating alaga ni ex-pound for pound king Floyd Mayweather Jr.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa kanyang huling laban, nagbalik sa welterweight division si Bronner at tinalo ang lahing Mexican na si world rated Adian Granados sa 10-round split decision nitong Pebrero.

Anumang araw, ihahayag nina Koncz at Arum kung sino ang makakalaban ni Pacquiao na posibleng maganap na sa Hunyo o Hulyo. (Gilbert Espeña)