Inabsuwelto ni Senator Richard Gordon sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at ang business tycoon na si Jack Lam sa P50-milyon bribery scandal, sa pagpapatuloy kahapon ng pagdinig ng Senado sa usapin.

“I don't think I was able to prove anything against Aguirre,” ani Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee na nagsagawa ng pagdinig.

Tinapos na ang pagdinig kahapon, kabilang din sa mga inabsuwelto ni Gordon si Wally Sombero, aide ni Lam, at sinabing “extortion” at hindi bribery ang nangyari sa dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na napagitna sa eskandalo.

Kumbinsido rin si Senator Bam Aquino na nagkaroon ng suhulan sa sinasabing pagpapalaya sa mahigit 1,000 Chinese na ilegal na nagtrabaho sa kumpanya ni Lam.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, naunsyami lamang ito nang mabunyag na ang P50-milyon suhol sa dalawang opisyal ng BI, sinabing inabot ng ilang araw ang pera sa mga kamay ng mga sinibak na BI associate commissioners na sina Michael Robles at Al Argosino bago ito idineklara ng dalawa.

Aniya, taliwas ito sa naging hakbang ni BI intelligence chief, retired Gen. Charles Calima na kaagad ipinagbigay-alam kay BI Commissioner Jaime Morente na may perang ibinigay sa kanya ang dalawa.

Nagkaroon naman ng tensiyon nang takutin ni Senator Richard Gordon, committee chairman, si Robles na ipakukulong ito sa hindi pagsasabi ng katotohanan, na hindi naman tinotoo ng senador. (Leonel Abasola)