STA. BARBARA, Pangasinan – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 at Sta. Barbara Police ang hinihinalang drug den sa Villa Sta. Barbara Subdivision sa Minien West sa nabanggit na bayan sa Pangasinan.

Dakong 10:30 ng umaga nitong Martes nang inaresto ang mga high-value target na sina Mary Ann Pineda, subject ng buy-bust; Cherry Ann Corpuz; Angelito Vicente; Mark Arzil Garcia; Rommel Reyes; at Christopher Galzim.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng .3 gramo ng hinihinalang shabu at apat na plastic sachet ng 25 gramo ng hinihinalang shabu, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng 500,000. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito