Patuloy na dumadami ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, kinumpirma ng Department of Health (DoH) at sinabing umaabot sa 27 ang naitatala kada araw.

Batay sa pinakahuling HIV/AIDS & Art Registry of the Philippines (HARP) ng DoH, nitong Enero 2017 naitala ang pinakamataas, simula noong 1984, na bilang ng HIV cases na umabot sa kabuuang 844 sa loob lamang ng isang buwan.

Mas mataas din ito ng limang porsiyento kaysa 804 na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa nasabing 844 na kaso, nabatid na siyam sa mga ito ay buntis kaya may posibilidad na mahawa na rin ang sanggol sa sinapupunan ng mga pasyente.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Karamihan o 826 sa mga biktima ay nahawa ng sakit sa pakikipagtalik, 16 sa mga ito ay dahil sa pakikigamit ng karayom, at dalawa ay sa mother-to-child transmission.

Pinakamaraming naitalang kaso sa NCR na may 307, sinundan ng Calabarzon (151), Central Luzon (91), Central Visayas (62), at Davao Region (50). (Mary Ann Santiago)