Isinugod sa pagamutan ang nasa 26 na estudyante sa high school na sumama ang pakiramdam matapos makalanghap ng pestisidyo malapit sa kanilang eskuwelahan sa Barangay Perez, Kidapawan City, North Cotabato kahapon.

Ayon kay Psalmer Bernalte, hepe ng Public Safety Division (PSD), dakong 7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Bgy. Perez sa Kidapawan City.

Batay sa report, 26 na estudyante ang naospital matapos dumanas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pamumula ng balat.

Nabatid na dinanas ito ng mga estudyante ilang oras matapos na magbomba ng malathion na hinaluan ng malakas na kemikal sa kalapit na sagingan.

Probinsya

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’

Napag-alaman na ilang metro lang ang layo ng plantasyon ng saging sa eskuwelahan at ilang kabahayan. (Fer Taboy)