PANIQUI, Tarlac – Patay ang isang motorcycle rider at angkas niya makaraan silang mabundol at makaladkad ng isang aluminum van sa highway ng Barangay Apulid sa Paniqui, Tarlac, nitong Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni PO2 Joemel Fernando ang mga nasawing sina Julius Tolentino, 41, driver ng Honda 155 motorcycle (PG-9042); at Alicia Alonzo, 39, may asawa, ng Bgy. Camayan, Tanza, Cavite.
Dakong 3:00 ng umaga nang nakasalpukan ng motorsiklo ang van (ADJ-4490) na minamaneho ni Mario Rivera, 48, may asawa, ng Bgy. Anonang, San Fabian, Pangasinan. (Leandro Alborote)