HALATANG pinipigil ni Vina Morales ang kilig nang tanungin kung boto ang pamilya nila kay Piolo Pascual para sa kapatid niyang si Shaina Magdayao pero umoo siya kaagad.
Biniro nga namin kung hindi ba niya naging type ang aktor noon.
“Naku, sino ba’ng hindi magkaka-crush kay Papa P? Ang guwapo-guwapo niya,” sagot niya.
Pero wala naman daw sinasabi si Shaina tungkol sa tunay na relasyon nito kay Piolo.
“Alam mo naman ang kapatid ko napakatahimik din, ‘di masyadong nagkukuwento. Pero sa nakikita ko, and in my heart, they really have big respect for each other.
“They really get along well. I don’t know what they have but I know that they care for each other. They are always there for each other when they need someone to talk to.
“Saka si Piolo is a very good person with a very good heart. Wala po akong masabing hindi maganda sa kanya and to his family. Napakabait nila kay Shaina... and Piolo, he’s so nice to Shaina.
“Kung maging brother-in-law ko siya, he is very welcome. Sino ba naman ako para i-stop ang kanilang pagmamamahalan, ‘yung respeto nila sa isa’t isa at pagsasama?
“I always have big respect for Piolo at kung saan masaya ang kapatid ko na sa nakikita ko ay happy naman siya sa sitwasyon, so I respect that,” masayang pahayag ng singer/actress.
Nakikita ba niya si Piolo na dumadalaw sa kapatid niya ngayong magkasama sila ng bahay (dahil hindi pa tapos ang bahay na ipinagagawa ni Shaina).
“Hindi ko nakikita kasi madalas din akong wala sa bahay, saka baka nagkikita na hindi ko alam,” natawang sabi ni Vina.
Ayaw namang pag-usapan ni Vina ang tungkol sa kanyang boyfriend dahil mas gusto raw niyang maging pribado ito para walang isyu at hindi rin naman daw taga-showbiz ang guy.
Bagamat hindi nagsasalita ng tapos si Vina kung sila na ang magkakatuluyan ng boyfriend niya, “I’m praying na sana... pero as of now, ini-enjoy lang muna namin ang relasyon namin.” (Reggee Bonoan)