Vice Ganda (1) copy

HINABOL namin si Vice Ganda sa backstage ng Dolphy Theater pagkatapos ng thanksgiving presscon ng It’s Showtime at launching din ng finalists ng “Tawag ng Tanghalan” para tanungin tungkol sa nalalapit na pagtatapat nila ng BFF at ‘asawa’ niyang si Kris Aquino sa Marso 26, Linggo para sa two-hour special nitong Trip ni Kris sa GMA-7.

Sandaling nag-isip si Vice at sumagot na, “Eh, normal lang naman ‘yun na nagkakatapat-tapat ang mga show, kasi kung hindi rin naman siya, may iba rin naman akong makakatapat.”

Pero hindi nito maaapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ngayong magkakalaban ang shows nila at mahahati ang viewers?

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“Personally, hindi ako bothered,” sagot ni Vice, “not for anything kasi talaga namang meron at merong tatapat sa programa ko, nagkataon lang siguro na siya ‘yung tatapat.

“Eh, mas masaya na ako ro’n kesa hindi siya mabigyan ng programa. Ang maganda sa akin, may programa si Kris ngayon,” aniya.

Kailan sila huling nakausap ni Kris?

“Matagal na, before her birthday, after that wala na, eh, busy na siya. Masaya lang kasi may trabaho ulit lahat.

She’s very happy and I’m very happy that she’s happy.”

Samantala, nagtangka pa sanang umiwas si Vice sa amin nang banggitin naming kakausapin namin siya ng one-on-one.

Inakala yata niya na tungkol sa love life ang itatanong namin.

“Eh, kasi parang seven years na yatang pinag-uusapan ang love life ko, wala naman yatang interesado na,” nagbibirong sabi niya.

Kapansin-pansing wala sa presscon ang Hashtag member na si Ronnie Alonte na itinutukso kay Vice, dahil umiiwas na rin sigurong matanong tungkol dito.

Isa-isang ipinakilala sa presscon ang 10 finalists ng “Tawag ng Tanghalan” na sina Maricel Callo, Mary Gidget de la Llana, Pauline Agupitan, Marielle Montelibano, Noven Belleza, Eumee Capile, Sam Mangubat, Carimalone Montecido, Froilan Canlas at Rachel Gabreza na ayon sa buong Showtime family at executives ay walang itulak-kabigin kaya kung puwede lang ay grand winners na sila lahat.

Ang mananalong grand champion sa Sabado, Marso 11, ay mag-uuwi ng bahay at lupa, contract sa ABS-CBN, plus P2M cash.

May matatanggap ding consolation cash ang Top 5.

Masaya ring ibinalita ni Direk Jillmer Dy na ang special judge nila sa Sabado ay si Ms. Nora Aunor na produkto ng Tawag ng Tanghalan noong 1967.